^

PM Sports

Alas Girls ‘di puwedeng kumurap vs Venezuela

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Nalasap ng Alas Pilipinas Girls ang pangalawang kabiguan matapos nilang yumuko sa No. 6 Peru, 28-26, 22-25, 23-25, 20-25 kahapon sa preliminary round ng FIVB Volleyball Girls U17 World Cham­pionship na nilaro sa Liceo Mixto San Felipe, Chile.

Naka-una sa set 1 ang Nationals pero bumawi agad ang Peru sa second frame para itabla sa tig isang set win, 1-1.

Nanlumo ang mga Filipino fans sa set 3 dahil nasayang ang 10-point lead ng Alas Girls, hinabol ito ng Peru at nasikwat pa ang panalo.

Posibleng sanang ma­ging momentum ng Pinay netters sa fourth frame kung naipanalo nila ang laro sa set 3.

Kaya naman nami­mi­ligro ang Alas Girls na makausad sa Round of 16, kasalo nila sa No. 3 spot sa Pool B ang Venezuela tangan ang tig 2-2 karta.

Sasampa sa Last 16 ang  top four mula sa six-team pool.

Nasa pang-limang puwesto ang Mexico hawak ang 1-3 record pero may tsansa pa itong makakuha ng ticket sa susunod na phase kapag tinalo nila ang Tunisia sa tatlo  o apat na set.

Kaya para masiguro ng Alas Pilipinas Girls na pumalo ng bola sa susunod na stage ay kailangan nilang talunin ang Vene­zuela ngayong araw upang manatiling may tsansa rin sa asam na korona.

Kumana ang 14-anyos na si Sharina Rhyza Lleses ng 18 attack points para pangunahan ang puntusan para sa Alas Girls na ang kanilang kampanya ay suportado ng PSC, Philippine Olympic Committee, at Asics.

Samantala, nangunguna sa Pool D ang Korea na may 4-0 record, pangalawa ang Italy na may 3-1 card habang ang Chinese Taipei at Puerto Rico ay tangan ang tig 2-2 baraha.

ALAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with