^

Bansa

Ombudsman sa mayors: Bantayan mga tauhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ombudsman sa mayors: Bantayan mga tauhan
Building of the Office of the Ombudsman.
Ombudsman office via FB

MANILA, Philippines — Binalaan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga city at municipal mayors sa bansa na bantayang mabuti ang mga tauhan na may kinalaman sa mga kontrata sa garbage collection.

Bunsod na rin ito ng mga ulat na mayroon mga LGUs na ­talamak ang korapsiyon sa ­usapin ng pagkolekta ng basura sa kanilang nasasakupang lugar.

Sa kaniyang programa sa radyo, pinuri ni Remulla sina ­Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pasig City Mayor Vico Sotto na tumatangging makisangkot sa ganitong mga raket. Gayunman, binigyang-diin niya na may ilang opisina sa ilalim ng kanilang pamumuno na maaaring sangkot sa katiwalian.

“Siguro sa Metro Manila, we can say Vico at Joy Belmonte. May mga iba pa, na hindi nila kailangan iyon. Hindi sila pumapatol. Sa ilalim nila, yung mga opisina, Business Processing Licensing Office, yung nagbibigay ng permits… Office of the Building Official, lahat iyan, check-in niyo. You should be aware of people under you who are committing shenanigans,” ani Remulla.

Binigyang diin ni Remulla na maaaring managot ang sinumang alkalde sakaling mapatunayang sangkot sa anumang katiwalian ang kanilang tauhan.

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with