^

Bansa

P15/litro fuel subsidy hingi ng transport

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P15/litro fuel subsidy hingi ng transport
A gas station attendant fills up cars at a station in Paco, Manila.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umapela ang isang transport group sa pamahalaan na dagdagan ang fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Melencio “Boy” Vargas, pangulo ng Alliance of Transport Ope­rators and Drivers Association of the Phili­ppines (ALTODAP), umaasa silang maitaas mula P10 kada litro tungo sa P15 kada litro ang fuel subsidy na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Sinabi ni Vargas na kamakailan ay nagkaroon sila ng konsultasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan pinapili umano sila kung nais nilang P15 fuel subsidy o P1 dagdag-pasahe.

“Pinag-aaralan ng LTFRB at DOTr na mas lakihan ang fuel discount sa mga fuel companies. Kung bibigyan po kami ng P15 fuel discount, iyon po ang nanaisin namin kaysa P1 dagdag-pasahe,” ani Vargas.

Sakaling mapagbigyan ang hiling, nais din nilang palawakin ang implementasyon ng fuel subsidy sa buong bansa upang mas maraming tsuper ang makinabang.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with