^

Bansa

Robin kakasuhan sa pagtakas ni Bato

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Robin kakasuhan sa pagtakas ni Bato
Senator Robin Padilla speaks during the Senate plenary session on May 13, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Isasampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ang kasong obstruction of justice laban kay Sen. Robin Padilla at iba pang indibidwal na nasa likod ng planadong pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa mula sa protective custody ng Senado.

Ayon sa CIDG, hindi maituturing na pagpapasabay lang sa kanyang sasakyan ang ginawa ni Padilla kay dela Rosa noong madaling araw ng Mayo 14.

“Following a thorough investigation, the CIDG has officially concluded that the transport of Senator Dela Rosa was not a mere hitch ride on Senator Padilla’s car, but a highly coordinated, pre-planned logistical maneuver specifically executed to avoid detection,” pahayag ng CIDG.

Natukoy rin ng CIDG na may isa pang sasak­yan na nagsilbing escort at back-up car sa sasakyan ni Padilla.

Binigyang-diin ng CIDG na naaayon sa kanilang mandato ang legal na aksyon na magsagawa ng imbestigasyon at ipatupad ang batas nang patas at walang itinatangi. Kapag ang mga indibidwal ay aktibong nakikialam sa pag-aresto o tumulong sa pag-iwas sa mga kriminal na nagkasala upang maiwasan ang pag-uusig, sinisira nito ang sistema ng hustisya at nakompromiso ang kaayusan ng publiko.

Noong Mayo 22 nang ihayag ni Padilla na nakisakay lang si dela Rosa dahil wala itong dalang sasakyan na hindi niya matanggihan at ibinaba niya sa Makati City.

DOJ

PNP-CIDG

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with