Bato tinanggalan ng bodyguard

MANILA, Philippines — Binawi na ng Philippine National Police (PNP) ang security detail ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kinumpirma mismo ni Dela Rosa na tinanggal ang kanyang security details ilang araw matapos maaresto si dating pangulong Rodrigo Duterte at dalhin sa The Hague.
Sinabi ni Dela Rosa na nalaman lamang niya ang pagtanggal sa kanyang security noong Marso 24 pagdating niya sa Davao.
Nilinaw ni Dela Rosa na mayroon siyang dalawang security personnel sa Davao at dalawa rin sa Maynila. Hindi lang niya tiyak kung maging ang security niya sa Maynila ay tinanggal na rin.
Simula nang bawiin ng PNP ang kanyang security ay nagboluntaryo naman anya ang mga kaibigan niya na mga retiradong pulis at mga sundalo mula sa Army ang nagbibigay ng seguridad sa senador.
- Latest