^

Bansa

38th PMPC Star Awards at FAMAS, pinasalamatan ni Rodriguez

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
38th PMPC Star Awards at FAMAS, pinasalamatan ni Rodriguez
Bilang isa sa mga awardees ng PMPC, napatibay ni Rodriguez ang kanyang reputasyon sa larangan ng agribusiness at sa pagpapatupad ng kanyang adbokasiya at layunin, na naging bunga sa pagtaas ng rating ng ATeacher party list sa iba’t ibang poll survey.

MANILA, Philippines — Taos-pusong nagpapasalamat si Ms. Virginia Rodriguez sa natanggap niyang pagkilala mula sa 38th PMPC Star Awards at sa FAMAS Prestige Awards bilang Philanthropist of the Year at Outstanding Entrepreneur in Agribusiness at sa kanyang pagiging philanthropo sa pagsuporta sa kapwa Pilipino, lalo na sa mga kapuspalad. “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ng parangal na ito lalo na sa mga kinatawan ng PMPC at FAMAS. Malaki ang naging tulong ng inyong suporta sa aking mga adhikain, at tinitiyak ko na ipagpapatuloy ko ang aking misyon na tulungan at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino,” ayon kay Rodriguez.

Bilang isa sa mga awardees ng PMPC, napatibay ni Rodriguez ang kanyang reputasyon sa larangan ng agribusiness at sa pagpapatupad ng kanyang adbokasiya at layunin, na naging bunga sa pagtaas ng rating ng ATeacher party list sa iba’t ibang poll survey. Sa natanggap na parangal, ipinahayag ni Rodriguez na ipagpatuloy niya ang mga programa sa pagtutok ng libreng pagkain sa mga estudyante, at mga senior citizens pagbibigay ng dagdag na benepisyo at libreng sako ng bigas sa mga guro, at pagpapabuti ng kagamitan sa pagsasaka para sa mga lokal na magsasaka gamit ang modern teknik at modern technology sa Agrikultura.

FAMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->