COCOPEA, tumiwalag sa NTF-ELCAC
MANILA, Philippines — Pormal nang tumiwalag ang grupo ng mga private schools na Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa isang pahayag, sinabi ng COCOPEA na noong Enero 30 ay hiniling nila kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na i-withdraw na ang kanilang membership mula sa naturang task force upang mapreserba ang kanilang kalayaang pang-akademiko.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng COCOPEA na mananatili silang kaisa sa misyon ng NTF-ELCAC na makamit ang pagkakaisa, kapayapaan, seguridad at socioeconomic development ng bansa.
“While COCOPEA respectfully withdraws membership from NTF-ELCAC, it remains one with NTF-ELCAC’s mission to achieve unity, peace, security, and socioeconomic development,” anito pa.
“COCOPEA will continue to represent the private education sector in dialogues with the task force on matters that align with its goals and objectives.”
Samantala, tiniyak naman ng task force na nirerespeto nila ang desisyon ng COCOPEA.
- Latest