^

Bansa

DOE umalerto: Petrolyo sisirit presyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOE umalerto: Petrolyo sisirit presyo
“As we face continued volatility in the global oil market, the Department of Energy is taking firm and proactive steps to protect the welfare of our people,” ani DOE Officer-in-Charge Sharon Garin nitong Martes.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Nakaalerto na ang Department of Energy (DOE) upang protektahan ang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa sa gitna ng inaasahang pagsirit ng presyo nito sa pandaigdigang merkado dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

“As we face continued volatility in the global oil market, the Department of Energy is taking firm and proactive steps to protect the welfare of our people,” ani DOE Officer-in-Charge Sharon Garin nitong Martes.

Sinabi ni Garin na ang agarang prayoridad ng DOE ay tiyakin ang suplay ng fuel, nananati­ling matatag at sapat, na ang anumang lokal na price adjustment ay mapamahalaan sa paraang maibsan ang epekto sa ekonomiya ng bansa. 

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa oil industry at mahigpit na pagsubaybay ng imbentaryo, sinisikap aniya ng DOE na mapanatili ang seguridad ng enerhiya habang naghahanda sa mga target na intervention upang suportahan ang mga sektor na pinakaapektado.

Umapela na ang DOE sa industry ­players na magpatupad ng “staggered fuel price adjustment lalo na kung may biglaang pagtaas ng ­presyo ng langis sa buong mundo, upang mabawasan ang epekto sa local consumers.

Noong Hunyo 16, ang presyo ng Dubai crude ay umabot sa $73 bawat bariles, ayon sa DOE.

Sa ganitong kadahilanan, sinabi ng Energy OIC na handa ang gob­yerno na magpatupad ng mga subsidyong panggatong sa mga sektor na direktang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina, partikular sa transportasyon at agrikultura upang maiwasan ang domino effect.

Sa ilalim ng umiiral na patakaran, ang mga subsidyong panggatong para sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon at mga magsasaka ay awtomatikong ina-activate kapag ang presyo ng Dubai crude ay lumampas sa $80 bawat bariles.

Ang 2025 General Appropriations Act (GAA) ay naglalaan ng P2.5 bilyon sa Department of Transportation para sa subsidies sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan, taxi, ride-hailing services, at delivery platform sa buong bansa.

Samantala, ang Department of Agriculture  ay may alokasyon na P585 milyon upang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa sektor ng agrikultura na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng gastos ng gasolina.

Sinabi ni Garin na patuloy na sinusubaybayan at susuriin ng DOE ang real-time na datos ng pandaigdigang merkado ng enerhiya upang makapagbigay ng napapanahon at batay sa ebidensyang mga tugon sa patakaran.

Ang mga kumpanya ng langis ay kasaluku­yang kinakailangan na magpanatili ng hindi bababa sa 30-araw na imbentaryo ng krudo at 15-araw na imbentaryo ng mga finished petroleum products.

DEPARTMENT OF ENERGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with