^

Bansa

Bong Go: Mag-ingat sa rabies, Mpox

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na manatiling alerto sa gitna ng patuloy na panganib ng rabies at pagdami ng mga kaso ng Mpox (monkeypox) sa ilang bahagi ng bansa.

Bagama’t kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 32% pagbaba ng kaso ng rabies, binigyang-diin ni Go na nananatiling mataas ang fatality rate nito kapag lumitaw ang mga sintomas.

Binanggit din niya ang katamtamang pagtaas ngayong Hunyo ng Mpox sa ilang lugar kaya ­kailangan ng atensyon at pag-iingat ng publiko.

“Hindi puwedeng balewalain ang rabies — kahit bumaba ang mga kaso, nakamamatay pa rin ito kapag huli na ang gamutan,” ang babala ni Go, chairperson of the Senate committee on health.

“Gano’n din sa Mpox. Kahit kumaunti ang naiulat na kaso ngayon, kailangan pa ring mag-ingat at sumunod sa mga payo ng health experts.”

MPOX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with