UP Law grad, nanguna sa 2024 Bar exams
MANILA, Philippines — Nanguna ang law graduate mula sa University of the Philippines (UP) sa katatapos na 2024 Bar examinations.
Ayon sa Korte Suprema, nakakuha ng 85.77% overall rating si Kyle Christian Tutor ng UP College of Law, sanhi upang mag-Top 1 sa pagsusulit.
Inanunsiyo rin ng Korte na kabuuang 3,962 ang examinees na nakapasa ngayong taon. Mas mataas ito sa 3,812 noong 2023.
Bukod kay Tutor, kasama rin sa bar topnotchers sina: Top 2 - Maria Christina Aniceto (Ateneo); Top 3 - Gerald Roxas (Angeles University Foundation); Top 4 - John Philippe Chua (UP Law); Top 5 - Jet Nicolas (UP Law); Top 6 - Maria Lovelyn Joyce Quebrar (UP Law); Top 7 - Kyle Isaguirre (Ateneo); Top 8 - Joji Macadine (University of Mindanao); Top 9 - Greogorio Torres (western Mindanao State University); Top 10 - Raya Villacorta (San Beda).
Mahigit 12,000 examinees ang nagparehistro sa Bar exams ngayong taon. Gayunman, mahigit 10,000 sa kanila ang nakakumpleto ng pagsusulit.
Ang passing rate ngayong taon ay nasa 37.84%.
- Latest