^

Bansa

16.3 milyong Pinoy kinokonsidera sarili na mahirap – SWS

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa kalahati ng mga pamilyang Pinoy ang ikinokonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre 14-23, lumitaw na 59% ng mga pamilyang Pinoy o aabot sa 16.3 milyon ang nagsabi na mahirap ang kanilang pamilya.

Bahagya itong mas mataas sa 58% SWS survey noong Hunyo, o nadag­dagan ng nasa 300,000 pamilya mula sa dating 16 milyon.

Anang SWS, nakapagtala sila ng pinakamalaking pagtaas ng self-rated po­verty sa Metro Manila.

Sa kabila naman ng naturang pagtaas, ang Metro Manila pa rin ang mayroong pinakamababang ­self-rated poverty rate na nasa 52%; Balance Luzon, 55%; Visayas, 62% at Mindanao, 67%.

Nasa 13% naman ang ikinokonsidera ang sarili bilang borderline poor habang 28% ang “not poor”.

Nakapagtala rin ng 9.1% pamilya na ‘newly poor’.

Ang mga self-rated food poverty naman sa mga pamilyang Pinoy ay nasa 46% noong Setyembre, na walang pagbabago noong Hunyo.

Ang naturang SWS survey ay nilahukan ng 1,500 adult respondents sa buong bansa, gamit ang face-to-face interviews.

PINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with