^

Bansa

Binay handang makipag-ayos kay Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas si Senador Nancy Binay na maki­pag-usap at dumaan sa ‘conciliation meeting’ kay Cayetano kung bahagi ito ng bagong alituntunin na maaaring itakda ng Senate Ethics Committee.

Sinampahan ni Binay ng reklamo sa Ethics Committee si Cayetano matapos siyang tawaging “marites” at “buang” sa pagdinig tungkol sa mga gastusin sa New Senate Building.

“If a conciliation meeting is part of the process to officially tackle the ethics case that I filed against Sen Cayetano, then I am willing to submit to the new rules adopted by the Committee. Kung iyon ang kailangan unahin bilang bahagi ng proseso, susunod po tayo,” ani Binay.

Matatandaan na nagtalo sina Binay at Caye­tano sa gastos ng New Senate Building.

Ang mainit na debate ay naging dahilan upang mag-walkout si Binay, at pagkaraan ng ilang araw, nagsampa siya ng reklamo laban kay Cayetano.

Sinabi naman ni Caye­tano na bukas din siya sa pakikipagkasundo kay Binay, ngunit sinabing dapat magpatuloy ang imbestigasyon.

COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with