^

Bansa

Pinas sa UN: Boundary sa West Philippine Sea, i-extend

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas sa UN: Boundary sa West Philippine Sea, i-extend
DFA Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Marshall Louis Alferez and PH Permanent Rep. to the UN Antonio Manuel Lagdameo officially made the extended continental shelf submission at the UN Division for Ocean Affairs and the Law of the Sea on June 14, 2024 in New York.
X / DFA Philippines

MANILA, Philippines — Hiniling na ng Pilipinas sa United Nations (UN) na palawigin pa ang boundary sa pinag-aagawang South China Sea.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi nito na sa pamamagitan ng Philippine Mission sa UN sa New York nitong Hunyo 14, nagsumite na ng impormasyon sa Commission on Limits of the Continental Shelf (CLCS) para irehisto ang bansa para sa extended continental shelf (ECS) sa West Palawan Region sa West Philippine Sea.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Maritime and and Oceans Affairs Marshalls Louis Alferez na ang pagsusumite ay isang deklarasyon, hindi lang para sa entitlement sa ilalim ng UNCLOS kundi para na rin ang commitment ng bansa para sa responsableng aplikasyon ng mga proseso nito.

Giit pa ni Alferez ang kahalagahan ng pagsusumite sa pag-secure ng mga karapatan sa soberenya at maritime jurisdiction ng PIlipinas sa WPS sa pamamagitan ng 2016 award on the South China Sea ay binanggit ang karapatan ng Pilipinas at binalewala ang anumang pag- aangkin ng China.

Ito na ang pangalawang beses na nagsu­mite ang Pilipinas sa isang extended continental shelf entitlement.

Noong April 2009 ay gumawa ang Pilipinas ng partial submission sa Philippine Rise na na-validate ng CLCS noong 2012 na nag­resulta sa karagdagang 135,506 square kilo­meter ng sea bed area sa PIlipinas.

Dahil dito kaya may karapatan aniya ang Pilipinas na magsumite ng mga iba pang lugar sa hinaharap.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with