^

Bansa

Bagong COVID-19 vaccines kailangan na ng Pinas – DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bagong COVID-19 vaccines kailangan na ng Pinas � DOH
Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo, bagama’t may bisa pa rin naman ang mga bakuna laban sa COVID-19 na natanggap ng mga Pinoy, hindi na ito kasing lakas noon kaya’t dapat na itong palakasin ulit.
AFP / Joel Sage

Sa pagkalat ng FLiRT variants....

MANILA, Philippines — Kailangan na umano ng Pilipinas ang mga bagong COVID-19 vaccines, bunsod na rin ng napapaulat na pagkalat ng bagong FLiRT variants ng naturang virus.

Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo, bagama’t may bisa pa rin naman ang mga bakuna laban sa COVID-19 na natanggap ng mga Pinoy, hindi na ito kasing lakas noon kaya’t dapat na itong palakasin ulit.

“Hindi na siya kasing lakas as noong para sa Alpha and the Delta - na iyon iyong mga original na variants, pero meron pa rin tayong residual immunity,” ani Domingo sa isang media interview.

Paliwanag niya, “Kumbaga iyong natitira - iyan sa Tagalog - natitirang immunity na kailangan palakasin na natin uli.”

Nilinaw naman ni Domingo na hindi pa sila naaalarma sa mga bagong variants ng COVID-19 ngunit nananatili silang nakaalerto dito.

Maaari rin aniyang hindi naman lahat ay kailangang bigyan ng bakuna, kundi yaong high risk lamang sa karamdaman. Ang importante aniya ay magkaroon tayo ng bakuna sa ngayon.

“Kailangan na nating magkaroon noong mga bagong bakuna,” aniya pa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with