^

Bansa

56% ng Pinoy naniniwalang 'balakid sa foreign investment' mga komplikadong batas — survey

James Relativo - Philstar.com
56% ng Pinoy naniniwalang 'balakid sa foreign investment' mga komplikadong batas — survey
Pedestrians shield themselves from the scorching heat while walking along EDSA in Quezon City on April 18, 2024.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Naniniwala ang karamihan ng mga Pinoy na "komplikadong panuntunan at regulasyon" ang pangunahing humaharang sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas, ayon sa isang survey ng Pulse Asia.

Ito ang dagdag na detalye ng survey firm, Martes, sa nauna nilang pag-aaral kung saan lumabas na 74% ng mga Pilipino ang tutol sa pagbabgo ng 1987 Constitution "ngayon o kailanman" — ang pinakamataas na oposisyon sa Charter Change simula nang talakayin ito ng Pulse Asia noon pang 2003.

"One probe elicited from Filipinos what they thought were the most significant factors that hinder foreign investments in the Philippines," wika ng Pulse Asia ngayong araw.

"A majority of Filipinos identified complicated rules and regulations (56%) and restrictive rules on foreign ownership (55%). A sizeable plurality also cited corruption in the public sector (46%); inadequate transport infrastructure (40%) and the high cost of electricity (37%)."

Nagmula ang detalyeng ito sa "rider questions" na idinagdag ng Stratbase-Albert del Rosario Institute (Stratbase-ADRI) pagdating sa mga panukalang pagbabago ng Saligang Batas.

Ang sumusunod na datos ay ilan lang sa mga lumabas na numer sa March 2024 Ulan ng Bayan survey:

  • tutol magmay-ari ang mga dayuhan ng lupa sa Pilipinas: 81%
  • tutol sa dayuhang kontrol sa likas-yaman ng Pilipinas: 86%

Epekto, pangamba ng publiko vs Cha-Cha

Ayon sa Pulse Asia, napakita ng mga naturang tanong na marami pang "nuances", o maliliit na detalye, pagdating sa mga pananaw hingil sa isyu ng pagbabago sa mga probisyon ng konstitusyon.

Narito ang sinagot ng respondents nang tanungin kung anu-ano ang posibleng kalabasan ng pagtatanggal ng restriksyon sa mga dayuhang mamumuhunan o negosyante sa ilalim ng konstitusyon:

  • pagdami ng "high quality jobs" na may mas mataas na sahod, benepisyo: 64%
  • pagganda ng serbisyo: 56%
  • pagdomina ng dayuhang kapital sa mga local investors at negosyo: 55%
  • pagbaba ng presyo ng bilihin: 54%
  • pamemeligro ng national security: 43%

"The above results indicate that the public is keenly aware of the factors that deter the entry of foreign capital, including those that have nothing to do with the lifting of the restrictive  provisions in the Constitution," sabi pa ng Pulse Asia.

"Further, it should also be noted that the public does see both negative and positive outcomes of removing the restrictions against foreign investors in our Constitution."

Dagdag pa nila, mapapaliwanag nito kung bakit mayorya ng mga Pilipino ang sang-ayong limitahan ang foreign involvement sa ilang espisipikong economic at social sectors.

Matagal nang pinangangambahan ng mga progresibo ang pagbabago ng 1987 Constitution sa dahilang bibigyan nito ng mas malaking kapangyarihan ang mga dayuhan, bagay na maari aniyang tumapak sa soberanya ng mga Pilipino. Bukod pa ito sa pagtutol ng ilan sa pagsingit ng ilang probisyon gaya ng pagpapahaba ng termino ng mga pulitiko.

vuukle comment

1987 CONSTITUTION

CHARTER CHANGE

ECONOMY

LAND

NATURAL RESOURCES

PULSE ASIA

SOVEREIGNTY

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with