^

Bansa

88% ng Pinoy tutol sa Charter Change 'sa ngayon' — Pulse Asia

James Relativo - Philstar.com
88% ng Pinoy tutol sa Charter Change 'sa ngayon' — Pulse Asia
Protesta laban sa Charter Change sa labas ng Kamara ngayong Marso 2024
Released/Bagong Alyansang Makabayan

MANILA, Philippines — Hindi pabor ang halos 90% ng Pilipinong maamyendahan ang 1987 Constitution sa ngayon, ayon sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia ngayong Miyerkules.

Sa harapang panayam na ikinasa ngayong Marso, napag-alamang karamihan sa mga Pinoy ang hindi pabor sa 10 iminumungkahing pagbabago sa Saligang Batas:

  • pabor ngayon: 8%
  • hindi pabor ngayon: 88%
  • hindi pa alam: 4%

 

 

Marami sa mga mungkahing maisingit sa Saligang Batas ay ilang probisyong magbibigay ng mas malaking kapangyarihan sa mga dayuhang magmay-ari o magkontrol ng mga industriya, dahilan para maging kontrobersyal ito sa mga patriyotiko.

Nahahati sa mga sumusunod ang mga ayaw sa "Cha-cha" sa ngayon:

  • hindi pabor sa ngayon pero pwede sa hinaharap: 14%
  • hindi pabor dito ngayon man o sa hinaharap: 74%

"Around three-fourths of the adult population (74%) do not see the need for charter change, regardless of timing," paliwanag ng Pulse Asia sa isang pahayag ngayong araw.

"The rest of Filipino adults think the 1987 Philippine Constitution should be amended now (8%), do not see the need for charter change now but are open to it under the next administration (8%), oppose constitutional amendments now but support it at some other time under the incumbent administration (6%), or are undecided on the matter (4%)."

Malaki-laki inilobo ng bilang ng mga ayaw sa Cha-cha ngayong Marso 2024 kumpara noong nakaraang taon: nasa 43%.

10 mungkahing mungkahi sa Cha-cha inekis

Narito ang listahan ng mga iminumungkahing pagbabago sa Saligang Batas. Lahat dito ay tinutulan ng mayorya ng mga Pilipino:

  • pagpapahintulot sa dayuhang magmay-ari ng eskwelahan/pamantasan: 68%
  • pagpapahintulot sa dayuhang indibidwal o kumpanyang magkaroon ng "equity" sa media at advertising: 71%
  • pagpapahintulot sa dayuhang pagmamay-ari sa komunikasyon gaya ng cellphone o internet company: 71%
  • pagpapalit ng sistema mula unitary patungong pederal: 71%
  • pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng gobyerno: 73%
  • pagtatanggal ng restriksyon sa shares ng stocks na maaaring pagmay-arian ng dayuhan sa mga korporasyong Pilipino: 78%
  • pagpapalit ng sistema mula presidential patungong parliamentary: 71%
  • pagpapalit ng lehislatura mula bicameral patungong unicameral: 74%
  • pagpayag na magmay-ari ng bahay at lupain ang mga dayuhan: 81%
  • pagpapahintulot sa mga dayuhang gamitin ang likas-yaman ng Pilipinas: 86%

Matatandaang inaprubahan ng Committee on the Whole ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) 7 noong ika-6 ng Marso, bagay na naglalatag sa ilang pagbabago sa mga "restrictive economic provisions" ng 1987 Constitution — bagay na sinasabing magpapalago aniya sa ekonomiya ng bansa.

Merong sariling bersyon nito ang Senado: ang RBH 6. Tinututulan ito ng mga progresibo sa ngayon sa dahilang pagsuko aniya ito ng soberanya ng Pilipinas.

Ang survey ay ikinasa mula ika-6 hanggang ika-10 ng Marso gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 kataong edad 18-anyos pataas. Ang sample size ay galing sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang naturang "Ulat ng Bayan" survey at ginawa ng Pulse Asia Research sa sarili nitong inisyatiba at hindi kinomisyon ng mga pribadong indibidwal.

1987 CONSTITUTION

CHARTER CHANGE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PULSE ASIA

SENATE

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with