^

Bansa

'Palayain!': Pag-aresto sa 6 aktibista noong Labor Day protests binakbakan

James Relativo - Philstar.com
'Palayain!': Pag-aresto sa 6 aktibista noong Labor Day protests binakbakan
Litrato ng pag-aresto sa ilang aktibista sa nakaraang Labor Day mobilization ng mga progresibong grupo nitong ika-1 ng Mayo, 2024
Released/Kilusang Mayo Uno

MANILA, Philippines — Iginigiit ngayon ng sari-saring grupo ang pagpapalaya sa "Mayo Uno 6" na inaresto ng kapulisan noong Araw ng Paggawa, ito matapos mauwi sa marahas na dispersal ang kilos-protesta ng mga progresibo papuntang US Embassy.

Miyerkules nang magkagirian ang mga aktibista't kapulisan habang nagproproteta  ang mga nabanggit para sa karagdagang sahod, pagbabasura sa PUV Modernization Program at pagpapatuloy ng Baliktan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

"We immediately call for the release of the illegally detained activists, and for the launching of an impartial and independent investigation into the police's failure to exercise maximum tolerance towards the peaceful protest," wika ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa isang pahayag kahapon.

"We reiterate our position - the United States' will bleed the Filipino workers and people dry with the help of Bongbong Marcos! We Filipino workers will not allow the United States to further depress our wages, make our work more precarious, dismantle our unions, and kill and forcefully disappear our unionists."

Hinihingi pa ng Philstar.com ang reaksyon at pahayag ng Manila Police District tungkol sa pangyayari ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon.

'Dispersal bakit dinahas nang ganoon?'

Ngayong Huwebes lang nang kundenahin ng Makabayan bloc ang pambobomba ng tubig at pananakit sa mga raliyista, lalo na't "wala namang mali" sa panawagan nilang umento sa sahod.

"Ang tanging pinapanawagan ng mga kabataan ay para saating mga mangagawa, ang pagtaas ng sahod nationwide. Unlike doon sa gusto ng adminstrasyon na papatse-patse, pinapasa ang issue sa wage boards," wika ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa isang press conference.

"Nakita natin personally na meron silang scratches sa kanilang katawan."

Inihambing naman ni ACT Teachers Rep. France Casro ang insidente sa pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia vessels sa mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kamakailan sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Castro, taun-taong ginugunita ang Araw ng mga Manggagawa sa buong daigdig kung kaya't hindi raw dapat binubusalan ang tinig ng mga obrero.

Kasalukuyang nakapako sa hanggang P610/araw ang minimum wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region, ang pinakamataas sa buong Pilipinas.

Ito'y kahit na umaabot na sa P1,197/araw ang family living wage sa naturang rehiyon sa pagtataya ng IBON Foundation. Ang naturang datos ay tinuturing na kailangan ng pamilyang may limang miyembro para mabuhay ng "disente" kada araw. 

Una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang agarang pagrerebyu ng sahod sa buong bansa sa pag-asang maitataas pa ito. Pebrero lang nang lumusot sa Senado ang P100 minimum wage hike, bagay na hindi pa rin naisasabatas.

ACTIVISM

ARREST

BONGBONG MARCOS

KILUSANG MAYO UNO

MANILA POLICE DISTRICT

MINIMUM WAGE

PROTEST

US EMBASSY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with