'Dangerous heat index' posible sa 14 lugar ngayong Biyernes Santo
MANILA, Philippines — Maaaring umabot ng hanggang 44°C ang heat index sa Roxas City, Capiz at Iloilo City, Iloilo ngayong Biyernes Santo — bagay na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke.
Sa highest heat index forecast na inilabas ng PAGASA nitong Huwebes, sinabing posibleng maitala ang "dangerous heat index" sa 14 lugar, bagay na naglalaro sa pagitan ng 42°C hanggang 51°C:
- NAIA Pasay City, Metro Manila: 42°C
- Sangley Point, Cavite: 42°C
- Calapan, Oriental Mindoro: 42°C
- Coron, Palawan: 42°C
- San Jose, Occidental Mindoro: 43°C
- Puerto Princesa City, Palawan: 43°C
- Aborlan, Palawan: 43°C
- Masbate City, Masbate: 42°C
- CBSUA-Pili, Camarines Sur: 42°C
- Roxas City, Capiz: 44°C
- Mambusao, Capiz: 42°C
- Iloilo City, Iloilo: 44°C
- Dumangas, Iloilo: 43°C
- Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 42°C
"Heat cramps and exhaustion are likely; heat stroike is probable with continued exposure," paliwanag ng PAGASA tuwing nasa danger levels na ang heat index.
Una nang ipinaliwanag ng PAGASA na magkaiba ang karaniwang air temperature na sinusukat ng thermometer kumpara sa heat index.
Ang init na nararamdaman ng tao ay mas akmang sukatin gamit ang heat index dahil sa isinasaalang-alang na rito pati ang alinsangan o halumigmig (relative humidity).
Matatandaang sinabi ng state weather bureau na posibleng umabot pa sa "extreme danger" ang heat index sa ilang bahagi ng Pilipinas pagsapit ng Mayo kung saan mas mataas ang tiyansang makaranas ng heat stroke ang isang tao.
- Latest