^

Bansa

Init sa Mayo aabot sa ‘extreme ­danger’ na 52 Celsius - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Init sa Mayo aabot sa âextreme ­dangerâ na 52 Celsius - PAGASA
Children enjoy flying a kite at a hill in Daraga, Albay, Bicol on March 7, 2024.
Andy Zapata Jr./The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Binalaan ng PAGASA ang publiko na ang heat index sa Mayo ay maaaring maging  “extreme danger,” dahil posibleng pumalo dito ang 52 degrees Celsius at pataas na init ng panahon.

Nitong Linggo ay nakapagtala ang La Union nang 46 degrees Celsius na init factor at patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang bansa ngayong Semana Santa.

Maaari namang makapagtala ng 42 degrees Celsius heat index sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan ngayong March 26, Martes.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, ang mainit na temperatura ay mararanasan mula sa Miyerkules Santo hanggang sa magtapos ang linggong ito.

Sa Martes naman anya ay posibleng umulan sa silangang bahagi ng Southern Luzon laluna sa Bicol gayundin sa Eastern Visayas.

“The rest of the week, we expect hot and humid weather in Metro Manila and a big portion of the country,” dagdag ni Torres.

Payo nito na magdala ng payong o anumang pananggalang sa init kung lalabas ng bahay dahil ang mainit na panahon ay tatagal hanggang buwan ng Mayo o hanggang sa kalahating buwan ng Hunyo ngayong taon.

Noong March 19 naitala ang pinaka mataas na heat index sa La Union na 47 degrees Celsius.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with