^

Bansa

Vatican aprubado 'inquiry' sa pagka-santa ng 13-anyos na Pinay

James Relativo - Philstar.com
Vatican aprubado 'inquiry' sa pagka-santa ng 13-anyos na Pinay
Litrato ng 13-anyos na si Niña Ruiz-Abad
Released/Diocese of Laoag

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Simbahang Katolika ang "diocesan inquiry" sa proseso ng pagkasanta ng Filipina teenager na si Niña Ruiz-Abad, na posibleng maging isa sa pinakabatang santa sa kaasaysayan kung nagkataon.

Sa ulat ng The STAR, sinabing sisimulan na ang pangangalap ng impormasyon sa reputasyon at pagkabanal ni Abad. Si Laoag Bishop Renato Mayugba ang magsisimula ng diocesan process at magsisimula ng inquiry.

"Lætare! (Rejoice!) to the clergy, religious and lay faithful of the diocese, as the Vatican judged that nothing stands in the way of the diocesan inquiry into the life of sanctity and heroic virtues of the 'Servant of God,' ani Mayugba nitong Linggo.

Hulyo 2023 nang unang itulak ang masalimuot na proseso patungong "canonization" ni Abad, na matatandaang namatay sa edad na 13.

Una nang nagsumite ng detalyadong talambuhay ng bata sa Vatican dicastery si Mayugba at humiling ng permiso para masimulan ang imbestigasyon.

Ginawa ito ng obispo matapos makakuha ng suporta mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa plenary assembly nito noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, naglabas ang Dicastery for the Causes of Saints ng isang "nihil obstat" (nothing stands in the way), na isa sa mga pangunang hakbang.

Opisyal na magsisimula ang beatification and canonization cause ni Abad sa ika-7 ng Abril o Divine Mercy Sunday, dagdag pa ni Mayugba.

Kilala si Abad sa malakas na debosyon sa Yukaristiya at inilaan ang kanyang buhay sa pamimigay ng rosaryo, bibliya, atbp. relihiyosong kagamitan.

Binawian ng buhay si Niña noong ika-16 ng Agosto ng parehong taon nang atakihin siya sa puso habang nasa paaralan. Isinugod siya sa ospital ngunit hindi na nabuhay. — may mga ulat mula kay The STAR/Evelyn Macairan

vuukle comment

BEATIFICATION

CANONIZATION

ILOCOS

ROMAN CATHOLICISM

SAINTHOOD

VATICAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with