^

Bansa

DNA ng Pinay na naaresto sa pag-abandona ng bangkay sa Japan, tugma sa murder weapon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-match sa murder weapon ang DNA ng isa sa dalawang Pilipino na iniimbestigahan sa pagkamatay ng mag-asawang Hapon sa Tokyo, Japan.

Ayon sa ulat, inaresto ang dalawa (isang lalaki at isang babae) dahil sa pag-abandona sa mga biktima na pinaslang sa kanilang bahay noong nakaraang Enero.

Batay sa impormasyon mula sa Tokyo Police, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang DNA na naiwan sa murder weapon ay nagtugma sa hindi pinangalanang Filipino woman.

Inaasahang ilalabas kung ano ang ipapataw na kaso laban sa mga Filipino sa Marso 23 at 24.

Sa kabila nito, tiniyak ng Department of Foreign Affairs na patuloy nilang bibigyan ng legal na tulong ang dalawa.

Napaulat na sa isang CCTV footage nakita ang dalawang Pilipino na lumalabas sa bahay nina Norihiro at Kimi Takahashi, na natagpuang patay noong Enero 16, 2024.

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with