^

Bansa

Bati-bati? Marcos tiniyak UniTeam kay VP Duterte matapos tiradang 'fentanyl'

James Relativo - Philstar.com
Bati-bati? Marcos tiniyak UniTeam kay VP Duterte matapos tiradang 'fentanyl'
Former Sen. Bongbong Marcos and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio walk the aisle at the wedding of the daughter of Lakas-CMD chairperson Sen. Bong Revilla.
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio / Release

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang biyakan at buo ang tiwala niya kay Bise Presidente Sara Duterte — ito sa kabila ng patutsadahan nina Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte kung sinong "bangag" at "adik" sa kanila.

Martes nang iklaro ito ni Marcos sa kanyang state visit sa Vietnam matapos matanong kung pananatilihin bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ang dating presidential daughter.

Naniniwala rin daw ang presidenteng buo pa rin ang kanyang "UniTeam" kay Inday Sara.

"I believe so because if you remember ‘Uniteam’ is not just one party of two parties or three parties. It’s the unification of all political, hopefully all political forces in the Philippines to come together for the good country," ani Marcos.

"And that is still there. It is still vibrant. It is still working, and we will continue."

Dagdag pa niya, walang nagbago sa relasyon niya kay VP Duterte sa kabila ng mga atake sa kanya ni Digong.

Matatandaang naging running mates noong 2022 national elections sina Marcos at Inday Sara.

"Well, it’s exactly the same [our relationship] because she has – of that nature. And, wala naman siyang sinasabi na ganyang klase. So, hindi naman nagbabago

Fentanyl vs cocaine

Linggo lang nang pagmumurahin ng nakatatandang Duterte si Marcos sa isang protest rally sa Davao City laban sa diumano'y pagtutulak ng administrasyon ng Charter Change sa pamamagitan ng people's initiative.

"Si Bongbong, bangag iyan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente," sabi ng palamurang ex-president.

"Kayong mga military, alam ninyo 'yan. Lalo na 'yung nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente, put*** i**** iyan."

Taong 2021 pa lang ay pinariringgan na ni Digong ang isang presidential candidate bilang "cocaine user." Hindi niya pinangalanan ang nabanggit, pero hinala nang marami ay si Bongbong ang tinutukoy.

Una nang tinawag ni Digong si Marcos bilang "spoiled" at "weak leader."

"I think it’s the fentanyl [that Duterte is using]. Fentanyl is the strongest painkiller that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now," sagot ni Marcos.

"When was the last time he told us that he was taking fentanyl? About five, six years ago, something like that."

"After five, six years, it has to affect him, so I think that’s the reason he acted that way. So, you know, I hope his doctors take better care of him. They should not allow this problem to persist."

Nang tanungin ng reporters kung gumagamit ba siya ng droga, sinabi na lang ni Marcos na: "I won’t even dignify that question."

Matatandaang pinamunuan ni Digong ang isang madugong gera kontra-droga, bagay na pumatay sa mahigit 6,000-30,000 — depende kung sino ang gagamiting sanggunian.

'Bangayan ng pasista'

Tinawag naman ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang naturang bangayan bilang "kontradiksyon sa pagitan ng pasistang mapang-api," bagay na hindi nirerepresenta ang interes ng manggagawa, pesante at intelektwal.

Ang isang pasista ay naniniwala sa sapilitang pagdurog sa oposisyon ng isang lider diktador, bukod pa sa pagpapailalim ng personal na karapatan sa "ikabubuti" ng bansa o etnikong pangkat.

"Both [Marcos and Duterte], in fact, represents the worst of the bureaucrat capitalists, and the ruling oppressive and exploitative classes of big landlords and bourgeois compradors, and both promote fascist suppression and imperialist domination [by foreign countries] in the Philippines," wika ni CPP chief information officer Marcos Valbuena.

"The rallies last Sunday saw both reactionary camps squandering public resources to bus in people to conjure the illusion that they enjoy broad support. They took advantage of the people's miserable conditions to entice them with entertainment and promises of government aid."

Kasabay kasi ng rally nina Duterte ang Bagong Pilipinas kick-off rally sa Luneta. Dinaluhan ni VP Sara ang event habang may hiwalay na rally ang ama sa Davao.

Paliwanag ng CPP, ginamit ng dalawang rally ang kanilang plataporma para itaguyod ang anti-nasyunal at anti-demokratikong mga pananaw, habang ipinipinta ang sarili bilang taga-pamandila ng interes ng Pilipino. Inihalintulad pa ng CPP ang mga Marcos at Duterte kay Hitler.

"Just as his dictator father promoted the false image of a 'New Society' (Bagong Lipunan) to cover-up the abuse of power under the martial law dictatorship, Marcos Jr. is now spending hundreds of millions of pesos to plaster all over the slogan of a 'New Philippines' to lend luster to the old rotten semicolonial and semifeudal system that is marked by economic oppression, political repression, foreign domination, and gross corruption," dagdag pa ni Valbuena.

"Amid crisis conditions under the Marcos regime, the revolutionary movement in both the cities and countryside are bound to heighten and fight with event greater tenacity, along with the revolutionary armed struggle being waged by the New People's Army."

BONGBONG MARCOS

COCAINE

FENTANYL

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE

UNITEAM

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with