^

Police Metro

BBM ‘spoiled, weak leader’ – Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
BBM �spoiled, weak leader� � Duterte
Pangulong Rodrigo Duterte
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang “spoiled” at “weak leader”.

Ito ang naging sagot ni Duterte nang tanungin ng local Mindoro lider kung may alyansa sa pagitan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng Lakas-CMD party at PDP-Laban at PDDS na kung siya ay miyembro nito.

“No. I cannot because nand’yan si Marcos. Hindi ako bilib sa kaniya. He’s really a weak leader,” wika ni Duterte.

Si Marcos Jr., na kapangalan ng yumaong ­dating pangulong Ferdinand Marcos, ay running mate ni Duterte-Carpio.

“Hindi ako naninira ng tao, talagang weak kasi spoiled child, only son. Of course he can talk, he deli­vers English articulate[ly], ang aral kasi kung saan-saan sa labas. Pero kung sabihin mo na may crisis, he’s a weak leader at saka may bagahe siya,” dagdag pa ni Duterte.

Hindi naman nagbigay ng komento ang kampo ni Marcos sa birada ni Pangulong Duterte.

Nabatid na ang pamilya Marcos at Duterte ay magkaibigan dahil sa nagsilbing gabinete ang ama ni Pangulong Duterte kay Ferdinand Marcos at noong 2016, ay pinayagan nitong mailibing sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng maraming protesta.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with