2 police trainees arestado sa rape
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking police trainees sa Misamis Oriental matapos silang ireklamo ng rape ng babae nilang batchmate.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10 na isinailalim na sa kustodya ng Misamis Oriental Police Provincial Office ang dalawang suspect na kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay ng kasong rape.
Nabatid na ang dalawang suspek at kanilang biktima ay sumasailalim sa anim na buwang Field Training Program na itinalaga sa isang lokal na himpilan ng pulisya sa Misamis Oriental nang halayin ng mga ito ang babaeng batchmate.
- Latest















