^

Bansa

Libu-libong deboto ng Nazareno pinakain ng Act Agri Kaagapay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libu-libong deboto ng Nazareno pinakain ng Act Agri Kaagapay
Namahagi ng pagkain at inumin sa mga deboto ng Poong Nazareno ang grupong Act Agri Kaagapay ni Virginia Ledesma Rodriguez.

MANILA, Philippines — Libu-libong deboto ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ang pinakain at pinainom ng Act Agri Kaagapay Organization na pinanumunuan ni Virginia Le­desma Rodriguez.

Dalawang araw na namigay ng tubig, pagkain, pansit, puto at tinapay si Rodriguez sa mga deboto ng Nazareno.

Inikot rin nito ang mga kalsada sa palibot ng simbahan ng Quiapo para ipa­migay ang kanyang dala-dalang pagkain sa bawat masalubong na deboto. Tinatayang nasa 25-libong deboto ang kanyang napakain.

Aniya, taun-taon niyang ginagawa ang pagpapakain ng mga deboto bilang pag­babahagi ng kanyang bles­sing na natatanggap mula sa Panginoon.

“Sa aking maliit na kakayanan ay napawi ko ang pagod­ at hirap ng mga deboto na nagpuyat para maka­sama sa prusisyon ng itim na Nazareno,” anya.

Lubos naman ang kagalakan ng mga deboto na nabigyan ng pagkain ni Rodriguez.

Itinatag niya ang Act Agri Kaagapay para mas marami pa ang kanyang matutulu­ngan sa iba’t ibang panig ng bansa.

vuukle comment

NAZARENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with