^

Bansa

Banta sa seguridad posible sa ilalim ng connectivity measure — consumer group

Philstar.com
Banta sa seguridad posible sa ilalim ng connectivity measure � consumer group
Layon ng panukala na maging mas madali para sa mga service provider na makapasok sa merkado, isulong ang kumpetisyon, mag-alok sa mga consumer ng mas marami at abot-kayang opsiyon para sa internet services.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang isang consumer group laban sa mga probisyon ng isang nakabinbin na digital connectivity bill, at sinabing walang mga pananggalang na maggagarantiya na magiging ligtas ang bansa mula sa mga banta sa seguridad.

Bagama’t kinikilala ng Senate Bill No. 2699 o Konektadong Pinoy Bill ang pangangailangan ng bansa na maging malawakang konektado, sinabi ni Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) Convenor Atty. Karry Sison na kailangan ding bigyang prayoridad ang pambansang seguridad.

"Ngunit sa ating matinding pangangailangan ng mas maayos na koneksiyon, tila hindi natin napagtutuunan ng pansin ang malaking banta sa ating seguridad," pahayag ni Sison sa isang statement.

"Sa kasalukuyang anyo ng panukalang ito, walang matibay na pananggalang upang masigurong ligtas at lehitimo ang mga papasok na telco providers. Walang garantiya na hindi sila may kaugnayan sa mga grupong may masamang hangarin laban sa ating bansa o sa ating mga ordinaryong mamimili," dagdag pa niya.

Noong Pebrero 5 ay inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang bill, bago ang session break.

Layon ng panukala na maging mas madali para sa mga service provider na makapasok sa merkado, isulong ang kumpetisyon, mag-alok sa mga consumer ng mas marami at abot-kayang opsiyon para sa internet services.

Nagpahayag si Sison ng labis na pagkabahala sa mga potensiyal  na panganib sa pagpapahintulot sa anumang service provider na pumasok sa bansa nang walang sapat na regulatory oversight.

"Kung walang sapat na proteksiyon, magiging madali para sa mga mapagsamantalang grupo na dayain, nakawan, o manipulahin ang mga gumagamit ng internet, lalo na ang mga hindi pamilyar sa mga panganib ng online transactions."

CONNECTIVITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with