^

Bansa

Bato handang ­magpaaresto sa ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bato handang ­magpaaresto sa ICC
Senator Ronald “Bato” dela Rosa answers questions from the media during a press conference at the Senate in Pasay City on September 18, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi manlalaban at handang magpaaresto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sakaling maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Dela Rosa na naawa siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng hulihin ito at dalhin sa The Hague upang harapin ang kasong “crime against humanity” dahil sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga noong nakaupo pa siya sa Malacañang.

Ipinahiwatig ni Dela Rosa na hindi siya magtatago at gagamitin ang lahat ng legal na paraan pero kung hindi ito umubra ay sasama na lang siya kay Duterte sa The Hague upang maalagaan ang dating Pangulo.

Sinabi rin ni Dela Rosa na siya ang naatasan na mag-asikaso ng mga dokumentong inihain sa Supreme Court kamakalawa na naglalayong pigilan ang paghuli ng ICC kay Duterte sa pamamagitan ng paghingi ng temporary restraining order (TRO).

“Magpapaaresto ako. Kapag may arrest warrant na. Paano ako entertain nila doon kung wala ko? Hindi ko papasukin. So kung meron, ready ako. Alagaan ko si Pangulo,” ani Dela Rosa.

RONALD “BATO” DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad