^

Bansa

Bong Go: Mag-ingat sa ‘walking pneumonia’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang publiko, lalo na ang mga matatanda, na manatiling mapagmatyag sa harap ng patuloy na banta sa kalusugan. 

Binigyang-diin niya na ang lahat ay nasa panganib pa rin na magkaroon ng COVID-19, partikular ng bagong bacterial infection na kilala bilang Mycoplasma pneumoniae, na karaniwang tinutukoy bilang “walking pneumonia.”

Sinabi ni Go sa pagdinig ng komite noong Martes ang kahalagahan ng pag-iingat sa kalusugan at ang boluntar­yong pagsusuot ng mga face mask.

Idinagdag ng senador na ang banta ng “walking pneumonia” ay nagdaragdag ng isang bagong layer ng pagiging kumplikado sa kalusugan ng publiko kaya hinihimok ang mga mamamayan na manatiling may kaalaman at sumunod sa mga hakbang sa pag-iingat.

Sinang-ayunan ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” Herbosa ang apela ni Go.

“My advice is the same, ‘yung natutunan natin no’ng Covid, ‘yung social distancing at tsaka pagsuot ng face mask top etiquette para hindi magkahawaan.  Kung may sakit ang bata huwag nang papasukin para hindi makahawa ng ibang bata sa eskwelahan.”

Noong Miyerkules, Disyembre 6, iniulat ng DOH ang apat na kaso ng walking pneumonia sa loob ng influenza-like illnesses (ILI) noong Nobyembre 25. Lahat ng indibidwal na apektado ng mga kasong ito ay gumaling na.

vuukle comment

PNEUMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with