DHSUD bumuo ng TWG para maghanap ng lupa na pagtatayuan ng pabahay
MANILA, Philippines — Binuo ng Department of Human Settlements and Urban Development ang isang technical working groups (TWGs) para mapabilis ang paghahanap sa mga lupa ng gobyerno na maaaring mapagtayuan ng programang Pabahay ng pamahalaan.
Nagpalabas si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department Order 2023-020 na nag-uutos sa TWGs na kabibilangan ng mga eksperto sa environmental, land use, urban planning and development, public housing at settlements na alamin at kilalanin ang mga government-owned lands para pagtayuan ng Pababay, human settlements at urban development.
Sa ilalim ng kautusan, ang TWG ay pamumunuan ni DHSUD Undersecretary Henry Yap habang ang TWGs sa regional offices ay pangangasiwaan ng kanilang Environmental, Land Use and Urban Planning and Development Divisions.
“We’ve been discussing with some local government units and national government agencies on how we can achieve a comprehensive list of land assets we can use. This order should stimulate more activities on the ground as we aggressively implement the 4PH (Pambansang Pabahay Para sa Pilipino),” sabi ni Acuzar.
Una nang lumagda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order 34 para sa pag-inventory ng mga lupa na magagamit para sa flagship housing program ng pamahalaan.
Ang 4PH ay layong magtayo ng 6 milyong housing units mula 2023 hanggang 2028 sa pamamagitan ng DHSUD.
- Latest