^

Bansa

Bong Go: Pasyente ‘pag tinanggihan, DOH mananagot

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Sen. Christopher “Bong” Go, Senate committee on health chairman, na pananagutin ang Department of Health (DOH) kapag may namatay kahit na isang pasyente dahil tinanggihan sa mga ospital ng gobyerno.

Ginawa ng senador ang babala sa DOH matapos ang pagdinig ng Senate health committee na kanyang pinamunuan ukol sa kasalukuyang estado ng public health system sa bansa.

“You should stand by your memo na walang matatanggihan na pasyente rito. Dahil ‘pag merong namatay na pasyente rito dahil sa kahirapan, malaki po ang pananagutan n’yo po sa ating mga kababayan. Magsasalita talaga ako rito araw-araw kung meron pong namatay na pasyente dahil natanggihan at dahil po sa kahirapan na wala silang matakbuhan at tinanggihan po ng inyong opisina,” sabi ni Go.

Sa pagdinig, ibinahagi ni Go ang naging sitwasyon ng isang pasyente sa Ozamiz City, Misamis Occidental, na nanganib na maputol ang supply ng oxygen dahil sa kawalan ng pinansyal.

“Paano kaya natin matulungan ito through the MAIP program? Isipin niyo dahil sa oxygen… papatanggal na lang niya (oxyden), malalagutan siya ng hininga dahil sa kahirapan,” ani Go.

Ang Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) ay ang programa ng DOH na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pasyenteng maralita at kapos sa pananalapi. Ang Malasakit Centers ang nagbibigay sa mga pasyente ng access para maka-avail ng programang ito.

Mismong si DOH Secretary Ted Herbosa ang dumalo sa pagdinig kung saan ipinaalala ni Go ang pangako ng ahensiya na tutuparin ang mandato nitong maayos na ipatupad ang Malasakit Centers Law na pangunahing iniakda at itinaguyod ng senador noong 2019.

Ibinida ni Herbosa kung gaano kaepektibo ang Malasakit Centers sa pagsasabing “Umiiyak nga ang mga pasyente, nakakatanggap ng tulong galing sa ­ating opisina. So maganda ang nagagawa ng Malasakit (Centers) Act,” ayon kay Herbosa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with