^

Bansa

Ayuda sa mga sari-sari store owners dapat lang – mambabatas

Philstar.com
Ayuda sa mga sari-sari store owners dapat lang – mambabatas
Kuha ng isang babaeng namimili sa tindahan.
STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines – Ang P15,000 cash assistance sa mga sari-sari store owners na naapektuhan ng price cap sa bigas ay isang “compassionate act” at pamamaraan para makabawi ang  maliliit na negosyo mula sa posibleng pagkalugi, ayos sa isang mambabatas.

Itinuturing din ni Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu ang direktiba ni Pangulong Marcos bilang “gantimpala” sa mga sari-sari store sa pagsunod sa price ceiling sa bigas na ipinatupad ng pamahalaan.

“What the President ordered is not only an act of compassion, but appropriate,” pahayag ng mambabatas sa isang statement nitong Lunes, September 25.

“It is refund mechanism so that sari-sari store owners can recover their temporary losses for complying with the rice price cap order. The assistance from DSWD rewards that compliance,” dagdag pa niya.  

Inihayag ng Malacañang noong Linggo, September 24, na inatasan ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaloob ng cash assistance sa mga sari-sari store owner sa gitna ng pagpapatupad ng rice price ceiling.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pamamahagi ng cash assistance sa sari-sari store owners ay isasagawa mula September 25 hanggang 29. 

Mahigit sa 6,000 sari-sari store owners ang nakatanggap na ng ayuda, base sa pahayag ni DSWD spokesman Assistant Secretary Romel Lopez.

Pinuri ni Yu ang pamimigay ng ayuda dahil ito umano ay paraan ng pagkilala na ang “isang sari-sari store ay maaaring isang micro enterprise sa laki subalit malaki ang nagagawa nito sa komunidad.”

“Marami sa kanila ay kasing hirap ng kanilang mga mamimili. Pero tumupad pa rin sa programang makakatulong sa pamahalaan. Siguro ang iniisip ng Presidente, ‘kung ang malalaking negosyante nga may tax refunds, loss write-offs, pass-on costs, bakit ang maliliit wala?’,” sabi ng mambabatas.

“The President saw how this policy would impact a  certain group of people, so he wasted no time in ordering DSWD to help those affected,” dagdag pa niya.

CASH ASSISTANCE

SARI-SARI STORES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with