^

Bansa

Signal no. 1 nakataas sa 5 lugar sa paglisan ni 'Goring' ngayong gabi

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Signal no. 1 nakataas sa 5 lugar sa paglisan ni 'Goring' ngayong gabi
Satellite image ni Super Typhoon Goring ngayong Agosto 30, 2023.
RAMMB

MANILA, Philippines (Updated 5:48 p.m.)— Napanatili ng Super Typoon Goring ang lakas nito habang papalapit sa hilagangkanlurang hangganan ng Philippine area of responsibility.

Ayon sa PAGASA, Miyerkules, huling namataan ang sentro ng bagyo 185 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes kaninang 4 p.m.

  • Lakas ng hangin: 195 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 240 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras

"GORING is forecast to follow a mainly west northwestward path across the Luzon Strait from today until it exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) tonight or tomorrow morning," sabi ng state weather bureau kanina.

"GORING will likely remain as a super typhoon until Friday."

Tinatayang makaiipon ng sumusunod na dami ng tubig ulan sa mga sumusunod na lugar buhat ng bagyo ngayong araw hanggang sa Huwebes:

  • 100-200 milimetro: Batanes,Babuyan Islands, Ilocos Norte, the hilagang bahagi ng Apayao, at dulong hilagangkanlurang bahagi ng portion of mainland Cagayan
  • 50-100 mm: Ilocos Sur, Abra, hilagangkanlurang bahagi mainland Cagayan, at nalalabing bahagi ng Apayao

Inaasahan ang mas maraming pagbuhos ng ulan sa matatas at mabubundok na lugar, kung saan matas ang tiyansa ng pagbaha at pagguho ng  lupa.

Warning signals ibinaba

Tinanggal naman na ang Tropical Cyclone Wind Signals no. 2 at 3 sa ngayon habang patuloy na lumalayo ang bagyo mula sa kalupaan.

Signal No. 1

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • Ilocos Norte
  • hilagang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Calanasan)
  • hilagang kanlurang bahagi ng Cagayan (Pamplona, Claveria, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes) 

Tinataya ng malalakas na hangin sa mga sinasabing lugar sa susunod na 36 na oras. Posible itong magdulot ng "minimal to minor threat to life and property."

Pag-ulan dahil sa habagat

"The enhanced Southwest Monsoon will also bring occasional or monsoon rains over the western portions of Luzon, and Visayas over the next three days," paliwanag pa ng PAGASA.

Patuloy din itong magdadala ng mahanging panahon sa mga sumusunod na lugar na walang wind signal ngayong araw: Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, and Western Visayas.

vuukle comment

SUPER TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with