^

Bansa

Pangulong Marcos: Pinas ‘di gagamit ng water cannon vs China

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang plano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patulan o gantihan ng water cannon ang pambobomba ng tubig ng China sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na Datu Bankaw sa Bajo de Masinloc nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Pasay, na hindi gagamit ng water cannon at walang balak ang Pilipinas na umatake sa kahit na anong bansa.

Iginiit pa niya na ang ginagawa lamang ng bansa ay protektahan ang ating sovereign rights at ang soberenya sa West Philippine Sea (WPS) at wala namang intenasyon na umatake sa iba sa pamamagitan ng water cannons o ano pang ibang opensiba.

“And we have no intention of attacking anyone with water cannons or any other such offensive, I would have to call them weapon dahil nakaka-damage na”, ayon pa sa Pangulo.

Matatandaang nasira ang barko ng Pilipinas dahil sa malakas na water cannon na ibinuga ng barko ng China.

Kaya giit ng Pangulo, hindi nila susundan ang ginawa ng Chinese Coast Guard at Chinese vessels dahil hindi misyon ng ating Navy, o Coast Guard na magpasimula ng tensyon kundi ang magpababa ng tensyon.

“That’s why hindi tayo- wala tayo- all we do is pagka nangyayari wina-water canon ‘yung mga barko natin ay nagpapadala tayo ng dèmarche, nagpapadala tayo ng sulat sa China and the other stakeholder,” sinabi pa ng Pangulo.

Matatandaan na ipinatawag ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) si Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong para pagpaliwanagin sa insidente.

Magsasagawa sana ng routine humanitarian mission sa Bajo de Masinloc ang barko ng Pilipinas nang atakihin ng China.

vuukle comment

AMBUSH

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with