^

Bansa

Pinakamura sa 5000mAh battery at AI-powered camera: Bagong Redmi A1 smartphone, lalabas na!

Pilipino Star Ngayon
Pinakamura sa 5000mAh battery at AI-powered camera: Bagong Redmi A1 smartphone, lalabas na!
Maaga ang pasko para sa mga fans ng Xiaomi. Takdang ilunsad ng smartphone brand ang Redmi A1 na maliban sa abot-kaya ang halaga ay angkop din sa misyon ng brand gawing mas accessible ang teknolohiya para sa lahat.
Photo Release

MANILA, Philippines — Maaga ang pasko para sa mga fans ng Xiaomi dahil ilulunsad nito ang bagong Redmi A1 na maliban sa abot-kaya ang halaga ay angkop din sa misyon ng brand gawing mas accessible ang teknolohiya para sa lahat.

Maagang holiday surprise din ang Redmi A1 para sa mga Pinoy shoppers dahil mas pinalakas ito sa quality ng camera, laking kapasidad ng baterya, large display at powerful chipset—siguradong hindi ito kukulangin sa hanap na specs!

Hindi lang iyan! Madali nang maabot ang unli-sharing of fun at “bida” moments dahil ang Redmi A1 ay mas pinamura pa sa halagang P3,999 lang! Ang ekslusibong diskwentong ito ay available for a limited time period mula mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 13.

Pagkatapos ng promo period, babalik ang smartphone sa standard retail price nitong P4,499 na magaan pa rin sa bulsa dahil sa specs at features nito.

Bilang dagdag na post-promo bonus, ang Xiaomi ay mamimigay ng Bluetooth speakers until supplies last. 

Quality specs at features

Taglay ng Redmi A1 ang eleganteng disenyo na flat-frame build at may tatlong kulay na puwedeng pagpilian: Light Green, Light Blue at  Black. Kaengga-engganyo ring manood ng TV shows at pelikula at mag-binge-gaming kasama ang barkada dahil sa crystal clear 6.52" full-screen display na nagbibigay ng superb visual experience.

Sa pagkuha at pag-share naman ng star-quality photos at videos capturing memorable moments, hindi pahuhuli ang Redmi A1 dahil meron itong 8MP rear-dual camera at snappy 5MP selfie shooter front camera.

Kayang tumagal buong maghapon ng Redmi A1 dahil sa 5000mAh battery nito na mas pinahusay pa ng ng 10M fast charging. Sa isang full charge, ang Redmi A1 ay maaaring tumagal ng hanggang 30 call hours,  22 hours of video playback at 161 hours of music.

Dagdag pa, ang dual-SIM Redmi device ay pinaaandar ng MediaTek Helio A22 chipset. Meron din itong 3GB na RAM at 64GB ROM na maaaring i-expand hanggang 256GB gamit ang MicroSD card.           

Ano pang hinihintay niyo? Bumisita na sa pinakamalapit na Xiaomi offline store simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 13 upang ma-enjoy ang  early bird promo sa halagang P3,999.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Xiaomi website.

vuukle comment

XIAOMI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with