^

Bansa

Nasalanta ng bagyong 'Neneng' lumobo lalo papalapit ng 200,000

Philstar.com
Nasalanta ng bagyong 'Neneng' lumobo lalo papalapit ng 200,000
Makikitang tinutulungan ng Bureau of Fire Protection, Cagayan Provincial Police Police, Philippine Coast Guard, mga kawani ng MDRRMO at PDRRMO sa Cagayan, at iba pang mga ahensya at volunteer rescuers ang mga nasalanta ng bagyo sa probinsya ng Cagayan at mga karatig-bayan nito
Released/Department of the Interior and Local Government

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 181,185 katao ang naapektuhan ng nagdaang Typhoon Neneng, bagay na puminsala ng milyun-milyong halaga sa sektor ng agrikultura at imprastruktura sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera dahil sa mga baha at landslides.

"A total of 51,870 families or 181,185 persons were affected," ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Huwebes.

"Of which, 163 families or 578 persons were served inside 12 [evacuation centers] and 308 families or 1,111 persons were served outside ECs."

Sa kabutihang palad, wala pa ring naitatalang patay at nawawala buhat ng bagyo. Gayunpaman, dalawa kataong una nang naiulat na nasaktan ang bineberipika pa sa Ilocos Region.

Umabot naman na sa 279 kabahayan ang sinasabing napinsala sa ngayon. Sa bilang na 'yan, 220 ang sinasabing bahagyang na-damage habang 59 naman ang wasak na wasak.

Samantala ganito ito naman ang idinulot ng bagyo sa ngayon pagdating sa P366.05 milyong halaga ng pinsalang tinamo ng sektor ng agrikultura:

  • Ilocos Region (P7.68 milyon)
  • Cagayan Valley (P354.44 milyon)
  • Cordillera Administrative Region (P3.92 milyon)

"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 81,555,000 was reported in Region 1, Region 2 and CAR," sabi pa ng konseho. Ito ang itsura niyan kung titilad-tilarin:

  • Ilocos Region (P49.8 milyon)
  • Cagayan Valley (P9.1 milyon)
  • CAR (P22.65 milyon)

Aabot naman sa tatlong lungsod at munisipalidad na ang nakasailalim sa state of calamity dahil sa pagbayo ng nagdaang typhoon.

Bilang tugon, nakapagbigay na ng P17.31 milyong halaga ng ayuda sa mga naapektuhang populasyon sa porma ng family food packs, hygiene kits, sleeping kits, relief assistance atbp.

Meron din namang P1.2 bilyong standby funds ang Department of Social Welfare and Development central at field offices at Office of Civil Defense. Iba pa 'yan sa P1.38 bilyong halaga ng stockpiles para sa family food packs, iba pang food items at non-food items sa DSWD at OCD.

Nakapagtalaga naman na ng 16 search, rescue and retrieval teams mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard sa Regions I and II.

Kaugnay niyan, nakapagbigay na sila ng saklolo sa 1,301 katao sa Ilocos at Cagayan Valley. — James Relativo

NDRRMC

NENENG

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with