Bagyong 'Agaton' sumalpok sa probinsya ng Samar
MANILA, Philippines — Tuluyan nang nag-landfall ang Tropical Depression Agaton sa Basay, Samar bandang 4 p.m., ayon sa pinakahuling balita ng PAGASA, Lunes.
Huling namataan ng state weather bureau ang mata ng bagyo sa nasabing lugar, na siyang halos hindi gumagalaw sa ngayon.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: aabot sa 60 kilometro kada oras
- Pagkilos: "Almost stationary"
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 21????
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) April 11, 2022
Tropical Depression “#AgatonPH” (MEGI)
Issued at 5:00 PM, 11 April 2022
TROPICAL DEPRESSION “AGATON” HAS MADE LANDFALL OVER BASEY, SAMAR.
Link: https://t.co/NJtgsVn0rc pic.twitter.com/DAfrbT5uVv
"Moderate to heavy with at times intense rains over Sorsogon, Masbate, Romblon, Biliran, Leyte, Southern Leyte, the northern and central portions of Cebu including Bantayan and Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, and the northern and central portions of Negros Provinces," sabi ng PAGASA kanina.
"Light to moderate with at times heavy rains over Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Quezon, and the rest of Bicol Region and Visayas."
Kaugnay ng nasabing bagyo, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- katimugang bahagi ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)
- Eastern Samar
- Samar
- Northern Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- hilagangsilangang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kasama ang Camotes Island
- silangang bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini)
- Surigao del Norte
- Dinagat Islands
Sa kabila ng naturang sama ng panahon, "minimal" to "minor" lang daw ang banta sa buhay at ari-arian ang bagyo sa ngayon.
Nakikitang mabagal na magpapaikot-ikot sa lugar ng hilagangsilangang bahagi ng Leyte at katimugang Samar at Eastern Samar ang bagyo bago muling lumabas sa Philippine Sea bukas habang nagsisimulang mag-interact ang Severe Tropical Storm "Malakas" (international name).
Sa kabila nito, posibleng lalong humina patungo sa isang "remnant low" si Agaton bago pa man lumitaw sa Philippine Sea.
Nangyayari ang lahat ng ito habang tinatayang makapapasok sa Philippine Area of Responsibility si "Malakas" ngayong gabi, na tatawaging "Basha" oras na mangyari 'yon.
Aabot na sa tatlong ang posibleng patay habang isa ang bineberipikang nawawala dulot ng bagyong "Agaton," maliban pa sa dalawang sugatan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kasalukuyang nasa 136,390 ang apektado ng bagyo, habang 13,049 ang mga nasa evacuation centers. Maaaring lumobo pa ang bilang na 'yan ayon sa NDRRMC lalo na't hindi pa nakakapagsumite ng bilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. — James Relativo
- Latest