^

Bansa

SILIPIN: 15 presidential bets na kasama sa 'tentative list' ng Comelec para sa 2022

Philstar.com
SILIPIN: 15 presidential bets na kasama sa 'tentative list' ng Comelec para sa 2022
Mula kaliwa pakanan: Litrato nina Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Bise Presidente Leni Robredo, Ka Leody de Guzman at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
The STAR, File; Mula sa Facebook page ni Isko Moreno Domagoso; Mula sa Facebook page ni Leody de Guzman; Released/BBM staff

MANILA, Philippines — Kada anim na taon tuwing eleksyon, bilang lang sa kamay ang mga maaaring i-shade sa balota sa pagkapangulo — pero paano kung nasa kinse sila lahat?

Lalabas kasing nasa 15 pangalan ang nasa nasa "tentative list" ng presidential aspirants sa halalang 2022, bagay na in-update ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang website ngayong Biyernes.

Kabilang dito sina:

  • ABELLA, ERNIE (IND)
  • ANDES, HILARIO (IND)
  • ARCEGA, GERALD (IND) 
  • DE GUZMAN, LEODY (PLM)
  • DOMAGOSO, ISKO MORENO (AKSYON)
  • GONZALES, NORBERTO (PDSP)
  • LACSON, PING (PDR)
  • LIHAYLIHAY, DANILO (IND)
  • MANGONDATO, FAISAL  (KTPNAN)
  • MARCOS, BONGBONG (PFP) 
  • MARCOS, MARIA AURORA (IND)
  • MONTEMAYOR, JOSE JR. (DPP)
  • NIEZ, EDGAR (IND)
  • PACQUIAO, MANNY PACMAN (PROMDI)
  • ROBREDO, LENI (IND)

Ayon sa Comelec, ang tentative list ay nakabase sa inisyal na evaluation ng certificates of nomination, certificates of candidacy at certificates of nomination and acceptance.

"Consequently, the contents of the list, particularly the names of the aspirants/candidates, political parties, as well as the name to appear on the ballot are subject to change as a result of any further evaluation and/or resolution of the Commission En Banc in relation thereto," paglilinaw ng polling body.

Marami ang natapyas sa listahan mula sa 97 presidential hopefuls na naghain ng kandidatura bago magtapos ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) nitong Oktubre. 

Kasama sa natanggal sa listahan si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, na bahagi ng administrasyon. 

"We had 97 filers for president and it looks like more than half of that might be removed as nuisance," sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press briefing noong Nobyembre.

Hindi pa naman malinaw kung sinu-sino na ang mga nadeklarang nuisance candidates, na mga nadiskwalipika o nakansela ang COC sa ngayon.

Ayon sa Section 69 ng Omnibus Election Code, itinuturing na nuisance candidate ang mga kandidatong:

  • nais gawing katatawanan (mockery) ang election process, pati na rin ang mga nais sirain ang magandang reputasyon nito (disrepute)
  • layong manlito ng mga botante dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakahalintulad sa pangalan ng iba pang rehistradong kandidato
  • nagpapakita na wala silang seryosong intensyon na tumakbo para sa posisyong hinainan ng COC

9 na VP, 70 senatorial aspirants

Marami-rami rin ang natanggal mula sa inisyal na naghain ng 29 COCs para sa pagkabise presidente at 176 para sa pagkasenador.

Sa ngayon, ito na lang ang nalalabing kasama sa paunang listahan para sa VP race:

  • ATIENZA, LITO (PROMDI)
  • BELLO, WALDEN (PLM) 
  • DAVID, RIZALITO (DPP)
  • DUTERTE, SARA (LAKAS) 
  • LOPEZ, MANNY SD (WPP)
  • ONG, DOC WILLIE (AKSYON) 
  • PANGILINAN, KIKO (LP) 
  • SERAPIO, CARLOS (KTPNAN)
  • SOTTO, VICENTE TITO (NPC) 

Makikita naman dito ang listahan ng nasa 70 senatoriables na nakalusot sa naturang line up. Aabot din 171 party-list groups ang napasama rin dito.

Magaganap ang halalang 2022 sa ika-9 ng Mayo, na pinakaunang eleksyon na gaganapin sa gitna ng COVID-19 pandemic. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with