^

Bansa

Libreng COVID-19 'mass testing' itinulak uli sa pagsulpot ng Omicron variant threat

Philstar.com
Libreng COVID-19 'mass testing' itinulak uli sa pagsulpot ng Omicron variant threat
Photo shows a lady riding a foot scooter along Kamias road in Quezon City and wearing a placard calling for free mass testing in the Philippines for COVID-19.
The STAR / Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Binubuhay ngayon ng ilang progresibo sa Kamara ang panawagang free COVID-19 testing sa gobyerno ngayong binabalot ng takot ang marami sa bagong variant na Omicron, na sinasabing mas nakahahawa at nakaaapekto sa bisa ng mga bakuna.

Iminumungkahi ito ngayon ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Miyerkules, lalo na't sinabi ng chief executive ng Moderna na mas mahihirapan ang existing vaccines laban sa Omicron kumpara sa mga naunang variant.

"[Now that it's] wreaking havoc worldwide, free mass testing would still be the key in fighting and containing this modern health scourge," ani Zarate sa isang pahayag kanina.

"Of course, free mass testing should also go hand in hand with fast and serious contact tracing to effectively contain this new variant. These should all be funded by government, not just the vaccinations."

Matagal nang sinasabi  ng Malacañang at Department of Health (DOH) na wala silang planong magkasa ng mass testing sa Pilipinas lalo na't "hindi naman daw kayang i-test ang lahat ng mga Pilipino" — kahit na hindi ito ang kabuluhan ng mass testing na hiling ng ilang grupo.

Sa ngayon, aabutin ka ng libu-libo para lang makakuha ng COVID-19 test sa Pilipinas, dahilan para hindi na lang magpa-test ang ilan kahit na nakararamdam na ng sintomas o na-expose.

Kanina lang nang sabihin ng DOH na wala pa silang nasisipat na nagpositibo sa Omicron variant sa ngayon, kahit na ilang Pinoy ang nakauwi kamakailan na nanggaling sa South Africa — ang bansa kung saan ito unang nadiskubre.

"We therefore strongly call for the national government to increase the funding and to level up the capacity of the under funded Philippine Genome Center. Funds, for instance, of the red-tagging NTF-ELCAC can be realigned for this," dagdag pa ni Zarate.

"The government must approach this new variant scientifically and not use draconian methods. Hindi dapat tinatakot at  inoobliga ang mamamayan,  lalo na ang mga mahihirap at mga manggagawa na pasanin ang gastos sa testing lalo pa ngayon na binubuksan na ang mga negosyo at mga empresa."

Una nang sinabi ni Stéphane Bancel ng Moderna na maaaring abutin pa ng ilang buwan bago makapagmanupaktura ang mga pharmaceutical companies ng COVID-19 vaccines na sasapul sa mga espisipikong bagong variants.

Ayon naman sa CEO ng Pfizer nitong Lunes na si Albert Bourla, nagsisimula na ang kanilang kumpanya sa paglikha ng bersyon ng bakunang tatarget sa bagong Omicron variant— James Relativo

BAYAN MUNA PARTY-LIST

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

SWAB TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with