^

Bansa

Residente malapit sa Mayon, pinaghahanda sa lahar flow

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Residente malapit sa Mayon, pinaghahanda sa lahar flow
This handout photo made available by Arren Christian Ventura shows the Mount Mayon spewing white smoke as seen from Legazpi on June 8, 2023 Hundreds of families living around Mount Mayon in central Albay province are expected to be moved to safer areas after the Philippine Institute of Volcanology and Seismology raised a "hazardous eruption" alarm.
Handout / Arren Christian Ventura / AFP

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Philippine Volcano­logy ang Seismology (Phivolcs) ang mga residente malapit sa paligid ng Bulkang Mayon na maging mapagmasid at maghanda sa inaasahang pagdaloy ng lahar mula sa dalisdis ng bulkan na sanhi nang inaasahang patuloy na pag-ulan sa Bicol region.

Ang pahayag ay ginawa nang Phivolcs nang iulat ng PAGASA na patuloy na uulanin ang Southern Luzon kasama ang Bicol Region dulot ng shear line weather system o ang pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin.

Ayon sa Phivolcs, dulot nang inaasahang patuloy na pag-ulan sa Southern Luzon laluna sa Bicol, inaasahan din ang pagdaloy ng lahar na mula sa naiwang deposito ng mga kolumpon ng putik sa naganap na pagsabog ng bulkan noong January hanggang March 2018.

Ang dadaloy na lahar ay babagsak sa mga watershed areas ng Miisi, Mabinit, ­Buyuan at Basud Channels malapit sa bulkan at babagsak sa mga ilog at drainage sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Bulawan, Basud, at Bulawan Channels sa lalawigan ng Albay.

Pinayo rin ng Phivolcs sa mga komunidad at sa local government units ng nabanggit na mga lugar na patuloy na su­baybayan ang ­kundisyon ng panahon at magsagawa ng pre-emptive ­response ­measures para sa kanilang kaligtasan mula sa patuloy na pananalasa ng shear line weather system.

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with