^

Bansa

Philippine Army nakaalerto sa CPP anniversary

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalerto na ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang tropa nito kaugnay ng paggunita sa ika-56 taong pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Galido, palaging nakaalerto ang tropa ng Philippine Army laban sa mga bayolenteng aktibidades ng New People’s Army (NPA) ang armed wing ng CPP.

Sinabi naman ni ­Philippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala, pinaalalahanan na ng liderato ng kanilang hukbo ang mga sundalo sa frontlines na maging alerto at ipagpatuloy ang internal security operations upang tiyakin na iiral ang peace and order sa kanilang mga hurisdiksiyon.

Binigyang diin ng opisyal na mahalagang matiyak na makaka­pagdiwang at makapagsasaya sa kapaskuhan ang bawat mga pamilya ng maayos at mapayapa.

Una nang inihayag ng CPP-NPA-NDF na hindi ito magdedeklara ng ceasefire sa pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong taon dahil patuloy aniya ang pag-atake ng tropa ng militar sa kanilang hanay.

Maging si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ay tinutulan din ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire sa hanay ng NPA rebels dahilan sinasamantala lamang umano ito ng komunistang grupo sa ­paglulunsad ng mga bayolenteng aktibidades.

Inihayag pa ni Dema-ala na hindi na kailangan pang magdeklara ng red alert ang Philippine Army sa anibersaryo ng CPP.

“We are always on the alert, so no need to declare heightened alert,” sabi pa ng opisyal.

ROY GALIDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with