^

Bansa

DOH: Omicron 'wala pa sa bansa' kahit ilang Pinoy mula South Africa nakauwi

Philstar.com
DOH: Omicron 'wala pa sa bansa' kahit ilang Pinoy mula South Africa nakauwi
This undated National Institute of Allergy and Infectious Diseases, NIH handout photo obtained Aug. 1, 2021, shows a transmission electron color-enhanced micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient.
Handout / National Institutes of Health / National Institute of Allergy and Infectious Diseases / AFP

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang namamataang kaso ng kinatatakutang COVID-19 Omicron variant sa ngayon, bagay na posibleng mas nakahahawa at punong-puno ng mutations.

Ito'y kahit tatlong returning overseas Filipinos galing South Africa — bansa kung saan unang nadiskubre ang Omicron variant — ang sinasabing nakauwi sa Negros Occidental noong ika-26 ng Nobyembre.

"[We] are getting details on these travellers, we will provide info as soon," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Miyerkules.

"Just to be clear, no detection yet of Omicron, we are still processing next batch of whole genome sequences."

Ang genome sequencing ay isinasagawa ng UP-Philippine Genome Center sa pakikipagtulungan ng DOH upang mapag-alaman kung anong mga COVID-19 variants ang naitatala s

Ano bang nangyari kasi?

Sa ulat ng ONE News, sinabi ni Provincial Inter-Agency Task Force action officer Rayfrando Diaz na ang tatlo — na pawang mga residente ng La Carlota City, Manapla at Calatrava — ay naka-isolate sa ngayon.

Bagama't pare-parehong fully vaccinated at una nang nagnegatibo sa COVID-19, inilagay ang mga nabanggit sa home quarantine matapos silang tanggihan ng isang hotel sa Lungsod ng Bacolod.

"They were isolated and will be re-swabbed on December 1," ani Diaz noong Martes.

"The primary obligation to check travelers from red countries lies with the Bureau of Quarantine."

Suspendido sa ngayon ang flights galing sa South Africa at iba pang mga bansa hanggang ika-15 ng Disyembre dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

Una nang sinabi ng DOH na aabot sa 30 sa 50 mutations ng Omicron variant ay matatagpuan sa "spike region." Kaugnay niyan, posible raw na magdulot ito ng mas mabili na paghahawaan ng COVID-19, maliban sa pagpapababa ng bisa ng mga bakuna.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong papaonti na nang husto ang COVID-19 cases sa Pilipinas. Ngayong araw, tanging 500 bagong kaso lang ang naitala ng DOH, bagay na nagpapatalon sa kabuuang bilang ng infections sa 2.83 milyon simula noong 2020. — James Relativo at may mga ulat mula sa ONE News

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

SOUTH AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with