^

Bansa

DOH: 330,000 aktibong COVID-19 cases sa NCR maaabot sa Setyembre 'kung walang magbabago'

James Relativo - Philstar.com
DOH: 330,000 aktibong COVID-19 cases sa NCR maaabot sa Setyembre 'kung walang magbabago'
COVID-19 patients pictured inside the chapel of Quezon City General Hospital on Aug. 19, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maaaring lumagpas nang doble sa kasalukuyang aktibong COVID-19 cases ng Pilipinas sa Metro Manila pagdating ng Setyembre sa isang projection ng Department of Health (DOH) kung hindi bubuti ang vaccine coverage, pagsunod sa health protocols at detection to isolation sa Kamaynilaan.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, sa isang media forum kung anim na linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang ipatutupad sa Metro Manila mula ika-21 ng Agosto hanggang ika-30 ng Setyembre.

"Now for MECQ, when we look at this, ang current kung hindi tayo makapag-improve [sa vaccinations, pagsunod sa protocols at detection to isolation], it's about 71,000 plus active cases by the end of August and [333,079] active cases by the end of September," ani Vergeire kanina.

"But if we are going to improve all of these factors, we will have about 83,000 plus active cases by the end of August and 152,000 by the end of September."

Sa huling datos nitong Linggo, nasa 125,900 ang aktibong kaso (o patuloy na nagpapagaling) sa COVID-19 sa buong Pilipinas.

 

 

Projections sa mas maluwag na NCR quarantine classification

Mas malaki naman ang bilang ng active cases sa projection ng DOH kung mas maluwag ang quarantine restrictions na ipapataw sa mga susunod na linggo.

Kung apat na linggong MECQ at dalawang linggong General Community Quarantine ang mangyayari (at umigi ang vaccine coverage, interval ng case detection to isolation at minimum public health standard compliance kumpara ngayon), posibleng ganito raw ang lumabas na mga numero:

  • 83,921 (pagtatapos ng Agosto)
  • 158,489 (pagtatapos ng Setyembre)

"Kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan na ito po ay projections. Hindi po necessarily na talagang mangyayari ito," patuloy ni Vergeire.

"Ito po ay talagang hindi mangyayari o mapre-prevent natin na mangyayari... If we can improve on vaccine coverage, on the shortening of our detection to isolation and the compliance of minimum public health standards."

Ngayong araw lang nang sabihin ng Metro Manila Council na "madaling" maabot ng COVID-19 vaccination ang kalahati ng NCR population sa pagtatapos ng Agosto.

Sa ngayon, nasa 30 milyong katao na sa bansa ang natuturukan ng isang dose ng bakuna habang nasa 13 milypon naman na ang fully vaccinated, ani presidential spokesperson Harry Roque.

Pumalo na sa 1.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon habang 31,810 sa kanila ang patay na. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

METRO MANILA

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

NATIONAL CAPITAL REGION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with