Pfizer, Moderna epektibo vs Indian variant – experts
MANILA, Philippines — Isang pag-aaral ng mga siyentista mula sa New York University (NYU) sa Estados Unidos ang nagsasabi na nananatiling mabisa ang Pfizer at Mo-derna COVID-19 vaccines laban sa mas mapanganib na Indian variant.
“What we found is that the vaccine’s antibo-dies are a little bit weaker against the variants, but not enough that we think it would have much of an effect on the protective ability of the vaccines,” ayon sa senior author ng pag-aaral na si Nathaniel “Ned” Landau ng NYU Grossman School of Medicine.
Unang kumuha ang mga siyentista ng ‘blood samples’ ng mga taong nabakunahan ng dala-wang uri ng bakuna at inilantad sa mga ‘engineered pseudovirus particles’ na may taglay na mutasyon ng coronavirus na matatagpuan sa B.1.617 o B.1.618 variants na unang natagpuan sa India.
Huling inilantad ang ‘mixture’ sa mga cells na pinalaki sa laboratoryo para malaman kung ilan ang mai-infect.
Dito nila nadiskubre na bagama’t may ilang antibodies ang hindi gumagana laban sa variants, sapat pa rin naman ang bilang ng ibang antibodies na kayang lumaban dito.
Nagpaalala naman ang mga eksperto na ang naturang imbestigasyon sa laboratoryo ay hindi nakatitiyak na ganito rin ang mangyayari sa totoong mundo at kailangan pa ng mga dagdag na pag-aaral.
Ang naturang pananaliksik ay itinuturing pang ‘preliminary’ at hindi pa nalalathala sa mga scientific journals para suriin ng ibang mga siyentista. (
- Latest