^

Bansa

Piston jeepney drivers, walang natanggap na ayuda sa gobyerno

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Piston jeepney drivers, walang natanggap na ayuda sa gobyerno
Ayon kay Mody Floranda, national president ng Piston, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development para bigyang pansin na maisama sila sa benepis­yaryo ng social amelioration program ng pamahalaan para sa mga sektor na apektado ng pandemic.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Walang ni isang kusing na natanggap na ayuda mula sa gobyerno ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa loob ng limang buwan na hindi nakakapasada ang mga driver dahil sa ipinairal na lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mody Floranda, national president ng Piston, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bigyang pansin na maisama sila sa benepis­yaryo ng social amelioration program ng pamahalaan para sa mga sektor na apektado ng pandemic.

Anya, karamihan na ng kanilang samahan ay nagpupunta ng kalsada at namamalimos na ng tulong sa mga tao dahil hanggang ngayon ay wala man lamang silang natatanggap na cash aid o anumang ayuda mula sa pamahalaan.

Sinabi ni Floranda na nag-submit na sila noon ng kaukulang dokumento sa DSWD sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board pero dalawang beses lamang na pangako ang natanggap nila at wala pa ring ayuda.

Anya, bagama’t pinayagan ng pamahalaan noong GCQ na makabalik sa pasada ang may 6,002 jeepney drivers pero kakaunting bilang lamang mula sa kanilang hanay ang nabigyang magbalik-pasada pero natigil ulit dahil balik-MECQ ang MM at karatig lalawigan.

DSWD

JEEPNEY DRIVERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with