^

Bansa

45 percent Pinoy, ‘di nabago buhay sa nagdaang 12 buwan – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
45 percent Pinoy, ‘di nabago buhay sa nagdaang 12 buwan – SWS
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 15, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Umaabot sa 45 percent ng mga Pinoy ang nagsabing hindi nagbago ang estado ng kanilang buhay sa nagdaang 12 buwan.

Batay sa Social Weather Station (SWS) survey, 30 percent naman ng mga Pinoy ang nagsabing bumuti ang kanilang pamumuhay habang 25% ang nagsabing lumala pa ang estado ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.

Ang naturang survey ay may Net Gainers score na +5 (% Gainers minus % Losers) na nauri ng SWS bilang high (+1 to +9).

Ang naturang September 2023 Net Gainer score ay 13 points na mas mababa sa “very high” na +11 noong Hunyo 2023. Ito rin umano ang pinakamababa mula sa -2 na datos noong Hunyo 2022.

Pareho lamang ang naturang March 2024 Net Gainer score sa +5 (30% Gainers, 25% Losers) na datos noong Disyembre 2023.

Ayon pa sa survey, mas mataas ng 7 points sa -2 (fair) na datos noong Setyembre 2023, ngunit mas bababa naman ito sa 6 points kumpara sa “+11 very high” na datos noong Hunyo 2023.

Ang survey ang ginawa noong Marso 21 hanggang 25, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal sa bansa na may edad 18 pataas.

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with