^

Bansa

Leyte, NPA free na - NTF-ELCAC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmamalaki ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nagawang status ng Stable Internal Peace and Security Condition (SIPSC) sa mga bayan ng Hilo­ngos, Isabel, at Merida sa Leyte sa paglaya sa mga kamay ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC ang pagdedeklara ng status, na dinaluhan ng provincial at local officials, kabilang ang mga Municipal Mayors, senior military at police officers, naipakita na ang pagsusulong ng kapayapaan tungo sa kaunlaran ang magbibigay sa bayan ng ibayong kaunlaran at pagbabago ng buhay ng lahat ng residente sa lugar.

Sa pamamagitan ng SIPSC status sinabi ni Torres, mas makakaakit pa ng mga negosyo at mga ‘development projects’ sa bansa habang magagamit naman ng mga local government ang natamong kapayapaan sa lugar upang pag-ibayuhin pa ang kalakalan, makalikha ng mga trabaho at mga imprastraktura.

Binigyang pagpapahalaga rin ni Torres ang pakikilahok ng mga komunidad na makamit ang kapayapaan para tuluyan nang mamayani ito.

Aniya, ang dedika­syon at kooperasyon ng mga residente ng Hilo­ngos, Isabel, at Merida ay malaking papel na kanilang ginampanan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with