^

Bansa

‘Provincial LGUs tatanggap ng dagdag na COVID fund’- Go

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatanggap na ang Provincial local government units (PLGUs) ng one-time “Bayanihan” financial assistance bilang karagdagang pondo para sa pagtugon sa krisis sa COVID-19.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, inaprubahan na ng ehekutibo ang pagbibigay ng Bayanihan financial asistance sa mga lalawigan na may katumabas na kalahati ng kanilang isang buwan Internal Revenue Allotment (IRA).

Ipinaliwanag ni Go na, sa pamamagitan ng one time financial aid, makakakilos na ang LGUs sa mga lalawigan na tumugon sa pagtaas ng pangangailangan  ng kanilang mga constituents at makakatulong din sa national government sa implementasyon ng enhanced community quarantine para labanan ang COVID-19 crisis.

“Ang pondong ito ay magagamit para ma-equip ang kanilang mga ospital, madagdagan ang kanilang quarantine and health facilities, at higit sa lahat, mabigyan sila ng dagdag na kapasidad na rumesponde sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan,” pahayag pa ng senador.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with