^

Bansa

Firefighters' Protection and Welfare Fund ng mga bumbero pangunahing layunin ng ABP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sino ang sasagip sa mga tagapagligtas nating bumbero kapag kaligtasan at buhay nila ang naging kapalit sa pagsuong sa panganib kapag may sunog? Ito ang tanong na nag-udyok kay Dr. Jose Antonio"Ka. Pep"Goita, first nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party list na irepresenta ang mga bumbero, fire rescuers at volunteers sa darating na eleksyon sa Mayo 2025.

Sinabi pa ni Goitia na nakita niya na kailangan ding pagtuunan ng pansin kung paano mabibigyan ng seguridad at masagip din sa pangangailangan ang mga bumbero na buwis-buhay ang pagsuong sa mga insidente ng sunog.

Hindi nila alintana ang makakapal na usok, matinding init at ang posibleng pagguho ng mga bahay at gusali kapag may sunog.

Subalit kapag sila na mismo ang naaksidente, napapabayaan sila ng sistemang kanilang pinaglilingkuran, ani Goitia. Aniya, maliit na hazard pay at madalas na hindi sapat na insurance coverage para matustusan ang kanilang pagpapagamot.

Sa maraming pagkakataon napipilitan na sila-sila mismo ang sumagot sa kanilang gastusin, manghingi ng donasyon at mangutang upang makabayad sa ospital o kaya ay mangutang ayon pa kay Goitia.

"Hindi makatarungan ang mababang hazard pay kumpara sa mga sakrispisyong ginagawa nila. Sila ang tumatakbo papasok sa nagliliyab na gusali habang lahat ay tumatakbo palabas" saad ni Goitia Hiimutok aniya, ng mga bumbero, saan sila lalapit at hihingi ng tulong kung walang maayos na accident at life insurance mula sa gobyerno na hindi sapat para matustusan ang kanilang matagal na gamutan o masuportahan ang kanilang mga naiwang mga mahal sa buhay.

Isusulong ng ABP partylist ang pagpapatupad ng Firefighters' Protection and Welfare Fund para sa hospitalization, financial aid, disability support at mental health care para sa mga nakaranas ng trauma sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Gayundin ang mas maayos na pagsasanay, de-kalidad na kagamitan na salik din sa mas ligtas na kondisyon sa trabaho.

ABP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad