^

Bansa

'Pribilehiyo siya': Prangkisa ng ABS-CBN hindi karapatan, sabi ng mambabatas

James Relativo - Philstar.com
'Pribilehiyo siya': Prangkisa ng ABS-CBN hindi karapatan, sabi ng mambabatas
"Kaya dapat nating marinig ang lahat ng panig, para malaman kung may nalabag ang ABS-CBN sa probisyon ng kanilang prangkisa," sabi ni Alvarez.
The STAR/Michael Varcas, FIle

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng chairperson ng House Commiitee on Legislative Franchises ang Kapamilya Network na hindi basta-basta binibigyan ng renewal ng prangkisa ang lahat ng TV stations na nag-a-apply para rito.

"Dapat tayong mapaalalahanan na sa batas, ang paggagawad ng prangkisa ay hindi karapatan, pribilehiyo 'yan," ani Palawan Rep. Franz Alvarez sa ulat ng DWIZ sa Inggles.

"Kaya dapat nating marinig ang lahat ng panig, para malaman kung may nalabag ang ABS-CBN sa probisyon ng kanilang prangkisa."

Hindi pa rin tiyak sa ngayon ang kapalaran ng media giant, na ilang beses nang binantaan ng Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa kanilang prangkisa.

Pinakahuli rito ang mungkahi niya sa pamilya Lopez na ibenta na lang ang istasyon, na inaakusahan niyang hindi nag-ere ng kanyang mga patalastas noong 2016 presidential campaign.

Nakatakdang mapaso ang kanilang franchise sa ika-30 ng Marso, 2020 kung hindi maaaprubahan.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Alvarez na magiging patas sila sa "Dos."

"Ang payo sa amin ni Speaker Alan [Peter Cayetano], siguraduhin na lagi kaming patas at walang kinikilingan sa pagre-review ng aplikasyon ng ABS-CBN, o ng anumang public utlitiy," dagdag ng mambabatas.

Aniya, tungkulin ng Konggreso na tumanggap ng mga reklamo at dinggin ito.

Sa ulat ng The STAR, binanggit ni PLDT chairman at CEO na si Manuel V. Pangilinan na bukas sila ng TV5 na magbigay ng "blocktime deal" sa ABS-CBN oras na hindi ma-renew ang kanilang prankisa.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang hamunin ng isang militanteng party-list si Duterte na kasuhan na lang ang ABS-CBN kung talagang may paglabag itong ginawa.

"Kung may problema talaga si Duterte laban sa network, sampahan niya ng kaso ang ABS-CBN kaysa busalan ang kalayaan sa pamamahayag at [bantaan ang] trabaho ng halos 7,000 empleyad," sabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite noong Martes.

Sinabi rin ni Gaite na maaaring ginigipit ng administrasyon ang ABS-CBN upang paboran ang kaibigang may interes daw sa istasyon.

Nitong ika-10 ng Disyembre, naibalita na nais mag-expand ng Davao-based businessman na si Dennis Uy sa media at entertainment business.

Kilala si Uy bilang malapit na kaibigan ni Duterte.

ABS-CBN

FRANCHISE

FRANZ ALVAREZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with