^

Bansa

Panukalang bawasan ang corporate income tax aprub na sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang bawasan ang corporate income tax rate sa bansa para makalikom ng dagdag na kita ang gobyerno.

Sa botong 170-yes, 8-no  at 6 abstain ay pumasa ang House Bill 4157 o ang Corporate Income Tax and Incentive Reform (CITIRA) na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda na naglalayong amyendahan ang ilang probisyon ng National Internal Revenue Code.

Sa ilalim ng CITIRA, ibababa sa 20% ang corporate income tax ng mga kumpanya mula sa kasaluku­yang 30%. Ang mga investments sa Metro Manila ay bibigyan ng tatlong taong Income Tax Holiday (ITH) at karagdagang incentives sa loob ng dalawang taon.

Ang mga nasa kalapit na lugar sa Metro Manila ay makakatanggap naman ng apat na taon na tax break at tatlong taon pang exemption.

Target din ng panukalang ito na bigyan ang mga investments sa labas ng Metro Manila ng anim na taon na ITH at apat na taong karagdagang tax perks.

Sisimulan ang pagbabawas sa corporate income tax na 2% sa kada dalawang taon simula January 2021, hanggang sa tuluyang umabot sa 20% ang pagbaba sa corporate income tax sa taong 2029.

INCOME TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with